Thursday, June 18, 2009

Ang Mga Paborito Kong Ulam

Tinanong ako ni MF kung ano ang mga paborito kong ulam, eto ang sagot

1. Sinampalukang Manok na may totoong usbong ng sampalok at walang artificial flavoring (extra points kapag bagong katay ang manok, yung dugo ay isasama sa bigas at ilalagay sa sinigang)

2. Lumpiang Sariwa na kompleto ang rekado, as Bulakenos prepare it, may kamote, baguio beans, fried pork bits, shrimps, etc. (bonus points kung galing sa pinas ung pambalot, ung manipis na manipis)

3. Three-day old Paksiw na Lechon na may tamang balanse ng tamis at asim (bonus kapag sobrang lambot na ng meat, na-may naghihiwalay nang fibers)

4. Steamed Crab na dapat ay sariwa at matataba o may alige (bonus kapag may kamatis at bagoong) -eto yata ang pinakasimple

5. Tinolang Kabiya/Tulya (Clams), sariwa din dapat (nalalasahan ko na kapag hindi fresh ang seafood), yung maraming luya (bonus kapag malunggay o saluyot ang kasamang gulay)

No comments: